SEATTLE – Para sa mga mahilig sa pakikipagsapalaran at nagpaplano ng susunod na destinasyon, huwag palampasin ang Seattle Travel & Adventure Show! Ito ang perpektong pagkakataon upang magsimula kung naghahanap kayo ng bagong karanasan.
Magaganap ang eksibisyon sa Enero 10 at 11 sa Seattle Convention Center. Dito, matutuklasan ninyo ang libu-libong pinakabagong opsyon sa bakasyon mula sa iba’t ibang destinasyon sa buong mundo, at makakatanggap kayo ng payo mula sa mga eksperto upang planuhin at i-book ang inyong biyahe.
“Kung isa kayong travel enthusiast, at madalas kayong bumiyahe nang higit sa dalawang beses kada taon – road trip man ito, paglipad sa buong Karagatang Pasipiko, o pagbisita sa ibang bansa – ito ay para sa inyo,” sabi ni Vice President Jonathan Golicz. “Pinagsama-sama namin ang pinakamagagandang destinasyon, lokal man o internasyonal, at mga nangungunang travel service providers mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Layunin nilang tulungan kayong humanap, magplano, at i-book ang inyong susunod na biyahe sa mga espesyal na presyo na hindi ninyo makikita kahit saan.”
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganapin ang kaganapan sa Seattle. Ayon kay Golicz, sabik na sabik ang kanilang team na makarating sa tinatawag na Emerald City.
“Isang napakagandang lugar ito. Layunin naming dalhin ang mga palabas na ito sa mga malalaking lungsod na may maraming taong mahilig bumiyahe, lokal man o internasyonal,” dagdag niya.
Kabilang sa mga magiging tagapagsalita ay ang kilalang travel writer na si Rick Steves, ang Editorial Director ng The Frommer’s Guides na si Pauline Frommer, at ang CBS News Travel Editor na si Peter Greenberg.
“Handa silang maglaan ng oras araw-araw upang ibahagi sa inyo ang mga insider tips na hindi ninyo makikita sa kahit anong website o TV program. Ito ay mga bagong impormasyon na tiyak na makakatulong sa inyong pagpaplano,” paliwanag niya.
Ang pinakamahalagang payo niya sa mga biyahero ay maging bukas sa mga bagong karanasan.
“Iwanan ang inyong bucket list sa bahay dahil maraming bagong destinasyon at opsyon sa paglalakbay ang matutuklasan ninyo na hindi ninyo mahahanap sa online o sa guidebook.”
Para bumili ng inyong tiket, i-click dito. Maaari rin kayong bumili ng tiket sa mismong araw ng kaganapan.
ibahagi sa twitter: Seattle Travel & Adventure Show Inspirasyon Para sa mga Biyahero