BOW, Wash. – Isang agila ang nailigtas mula sa mapanganib na sitwasyon sa Skagit County, Washington, sa tulong ng Washington Department of Fish and Wildlife (WDFW) Police at ng Burlington Fire Department.
Natagpuang nakabitin nang baligtad ang agila sa isang punongkahoy sa bayan ng Bow, Skagit County.
Gamit ang truck ladder ng bumbero, si WDFW Police Officer Ludwig ang umakyat upang maabot ang ibon. Maingat niyang binalot ang agila sa kanyang patrol jacket at ligtas itong ibinaba mula sa punongkahoy. Napansin na may sugat ang binti ng agila.
Si WDFW Police Sgt. Valentine ang nagdala ng agila sa Whatcom Humane Society Wildlife Rehabilitation Center para sa masusing pagsusuri at paggamot. Umaasa ang mga awtoridad na gumaling ang ibon at makabalik ito sa kanyang natural na tirahan.
ibahagi sa twitter: Agila na Nasugatan Nailigtas ng Pulisya at Bumbero sa Skagit County Washington