SEATTLE – Paalala ang Washington State Department of Transportation (WSDOT) sa mga motorista na maghanda para sa posibleng matinding trapiko dahil muling sisimulan ang proyekto ng Revive I-5 ilang araw pagpasok ng Bagong Taon.
Ipagpapatuloy ang Revive I-5: Ship Canal Bridge Preservation work sa northbound (pataas) na I-5, simula Enero 9, 2026. Ang I-5 ay isang pangunahing highway sa Seattle, at maraming Pilipino ang dumadaan dito araw-araw papunta sa trabaho o sa iba’t ibang destinasyon.
Mula Enero 9 hanggang 12, 2026, magkakaroon ng buong weekend closure (pagsasara) ng northbound I-5 (ayon sa WSDOT).
Ipinaliwanag ng WSDOT: “Magsisimula na ito ng matagalang pagbabawas ng dalawang lane sa northbound I-5 habang tumatawid sa Ship Canal Bridge. Kailangan ito para maayos at mapakinis ang ibabaw ng tulay,” anunsyo nila. “Para sa paghahanda at pagtanggal ng mga lugar ng trabaho, kailangan naming isara ang buong northbound I-5 mula I-90 hanggang Northeast 45th Street sa loob ng isang weekend.”
Asahan ang mga pagbabago sa mga lane ng northbound I-5 sa taong 2026 (WSDOT).
Ang mga petsa para sa paghahanda at pagtanggal ng mga lugar ng trabaho ay nakadepende sa panahon. Dahil kailangan ng tuyong panahon para muling markahan ang mga lane, maaaring ipagpaliban ang trabaho sa susunod na weekend kung maulan.
Sinabi ng WSDOT na sa panahon ng pagbabawas ng lane at buong pagsasara, bukas ang express lanes para sa lahat sa direksyon ng trapiko, 24 oras kada araw. Mag-ingat dahil maaaring maantala rin ang mga motorista na dumadaan sa mga kalsada na malapit sa lugar ng trabaho dahil hindi babaliktad ang express lanes. Hinihikayat ang mga motorista na laging tumingin sa mga karatula, dahil maaaring magbago ang mga ramp at may mga ramp na HOV-only (High Occupancy Vehicle – para sa mga sasakyang may dalawa o higit pang pasahero). Para sa mga hindi pamilyar sa terminong ito, ito ay para sa mga sasakyang may maraming pasahero upang mabawasan ang trapiko.
(WSDOT)
Idinagdag ng WSDOT, “Sa 2027, asahan din ang pagbabawas ng mga southbound (pababa) na lane sa pagtawid sa Ship Canal Bridge. Muling kailangan ng buong pagsasara ng I-5 sa isang weekend para sa pag-install at pagtanggal ng mga lugar ng trabaho,” sabi nila. “Ibabahagi namin ang mas tiyak na detalye kapag lumapit na ang planadong trabaho.”
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng WSDOT.
ibahagi sa twitter: Babala sa mga Motorista Muling Sisimulan ang Revive I-5 sa Seattle – Asahan ang Trapiko sa Simula